MENU
Tuesday, 06 September 2016 03:09

Kulminasyon ng Buwan ng Wika Featured

Ika-isa ng Setyembre 2016, pinagdiriwang ng mga iskolar ang kulminasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa sa temang "FILIPINO: Wika ng Karunungan". Kasabay ng init ng panahon, ang init ng galak at hiyaw sa mga programang inihanda sa araw ng panapos sa palatuntunan. Kung saan nagpamalas sa tatas at husay ang mga kalahok sa Malikhaing Talumpati at sa swabeng "Hataw sa Galaw 2016", na susubok sa kanilang talento sa sayaw na tampok ang mga kantang OPM.

Nagpatuloy ang sigla ng mga kabataan nang simulan ang taunang Laro ng Lahi na kung saan lakas, pawis at bilis ang naging puhunan ng iba't-ibang pangkat sa nasabing laro. Kasabay din sa taunang selebrasyon ang "Acquintance Party" na sinumulan ng "Ecumenical Service" bilang pasasalamat sa lahat ng biyayang tugon ng Maykapal. Nagkaroon din ng temang Pista sa Nayon na kung saan bawat antas at  seksiyon ay naatasang magdisenyo sa kani-kanilang tolda na sinundan ng "Community Dinner". Naitampok din sa gabing iyon ang isa sa mga pangunahin at pinakamalaking gawain ay ang i❤OPM na kung saan ipinakita at ipinamalas ng mga iskolar ang angking galing at husay sa pag-awit sa mga awiting Ingles na kanilang isinalin sa wikang Filipino.


  •  

  •  

  •  

  •  

  •  

  •  

  •  

  •  

  •  

  •  

  •  

  •  

  •  

  •  

  •  

  •  

  •  

  •  
Read 2390 times