Nagpatuloy ang sigla ng mga kabataan nang simulan ang taunang Laro ng Lahi na kung saan lakas, pawis at bilis ang naging puhunan ng iba't-ibang pangkat sa nasabing laro. Kasabay din sa taunang selebrasyon ang "Acquintance Party" na sinumulan ng "Ecumenical Service" bilang pasasalamat sa lahat ng biyayang tugon ng Maykapal. Nagkaroon din ng temang Pista sa Nayon na kung saan bawat antas at seksiyon ay naatasang magdisenyo sa kani-kanilang tolda na sinundan ng "Community Dinner". Naitampok din sa gabing iyon ang isa sa mga pangunahin at pinakamalaking gawain ay ang i❤OPM na kung saan ipinakita at ipinamalas ng mga iskolar ang angking galing at husay sa pag-awit sa mga awiting Ingles na kanilang isinalin sa wikang Filipino.